Sa wakas may tubig na sa ating palengke!
Sa loob ng halos 20 years na sinisigaw ng ating mga vendors sa ating palengke na magkaroon sila ng sariling linya ng tubig ay sa wakas ay nalagyan na natin ng Water Supply System ang ating pampublikong pamilihan na isa sa essential needs ng ating mga tindero at tindera. Maayos na rin po ang dating madulas at maputik na sahig. Isa ito sa agarang inaksyunan natin dahil nagiging sanhi ito ng aksidente ng ating mga mamimili.
Umpisa pa lamang ito at patuloy parin ang pagpapaganda at pagpapaayos natin sa ating palengke, maraming salamat kay public market admin Beck Dela Cruz at sa ating masisipag na personel sa pagsigurado ng kaayusan at kalinisan sa ating palengke.
Iniimbitahan natin ang lahat na bumisita at mamili sa ating Cavite City public market dahil bukod sa malinis na po rito ay fresh at nasa tamang timbang ang mga tinda rito.
December 10, 2024
December 7, 2024
November 22, 2024
September 17, 2022
November 27, 2020
October 14, 2020