Isang makasaysayang tagumpay ang nagbigay ng karangalan sa Cavite City ng matanggap nito ang prestihiyosong Seal of Good Local Governance (SGLG) 2024 sa kauna-unahang pagkakataon. Ang mahahalagang kaganapan na ito ay patunay ng dedikasyon ng lungsod sa pagiging tapat, may pananagutan, at mahusay na pamamahala.
Ang Seal of Good Local Governance ay isang programa ng Department of Interior and Local Government (DILG) upang kilalanin ang mga lokal na pamahalaan (LGUs) na nagpapakita ng natatanging pagganap sa iba’t ibang aspeto ng pamamahala. Kabilang dito ang financial administration and sustainability, disaster preparedness, social protection and sensitivity, health compliance and responsiveness, sustainable education, business-friendliness and competitiveness, safety peace and order, environmental management, tourism heritage development and culture & arts, at youth development.
Para sa Cavite City, ang pagkapanalo ng gantimpalang ito ay isang salamin ng sipag at determinasyon ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan at ng buong komunidad. Ang makasaysayang lungsod, sa ilalim ng pamunuan ni top performing Mayor Denver Reyes Chua, ay nagpatupad ng mga polisiya at programa na inuuna ang kapakanan ng mga residente, tinutugunan ang mga pangangailangan sa imprastruktura, kalusugan, edukasyon, at mga serbisyong panlipunan, habang tinitiyak ang responsableng pamamahala sa pananalapi at pangangalaga sa kalikasan.
Para sa mga residente ng Cavite City, ang pagkapanalo ng award na ito ay hindi lamang isang pagkilala sa tagumpay ng kanilang lungsod kundi pati na rin isang pagpapakita ng sama-samang pagsisikap ng bawat Caviteño.
Ang award na ito ay simula pa lamang ng patuloy na pag-unlad ng lungsod. Sa pamamagitan ng magaling na leadership at aktibong partisipasyon ng mga mamamayang Caviteño, ay tiyak na magpapatuloy sa pag-abot ng higit pang mga tagumpay at pagkilala ang lungsod ng Cavite City.
December 10, 2024
December 7, 2024
November 22, 2024
September 17, 2022
November 27, 2020
October 14, 2020