Isang taon na ang nakalipas nang masunog ang halos buong barangay Quadra kung saan mahigit 800 families ang nawalan ng tirahan.
Isang taon makalipas ang matinding pagsubok na ito ay patuloy parin ang ating pagtutulungan upang tuluyang makabangon ang mga residente ng Quadra.
Kaya ngayon sa araw na ito ay masaya kong ibinabalita sainyo na ang dating sira sirang tulay na halos hindi na madaanan at nagiging sanhi ng aksidente sa mga nadaan rito ay ngayon matibay at sementado na.
Patuloy parin ang ating pag follow up sa MERALCO upang mapabilis ang pag kabit ng mga kuntador at maibalik na ang kuryente sa Quadra.