mayordenverchua@gmail.com
mayordenverchua@gmail.com
Libreng medical service para sa mga Caviteño bukas na!
Libreng medical service para sa mga Caviteño bukas na!

Cavite City meDCare Center!

Sa wakas, hinihiling ng bawat Caviteño, isang libreng medical service facility atin nang binuksan.

Sa unang araw pa lamang ng ating panunungkulan bilang Mayor, agaran nating trinabaho at inasikaso ang healthcare facility ng ating lungsod, ang dating lying-in na hindi makapag operate ngayon ay lisensyado na at puwede nang tumanggap ng pasyente. Isa ito sa ating pangarap at ngayon ay atin nang naisakatuparan.

Narito ang mga libreng serbisyo ng Cavite City meDCare para sa lahat ng residente ng lungsod:

  • Libreng paanakan,
  • Out-patient
  • consultation,
  • Dental Service,
  • Minor surgery,
  • Free Laboratory services:
    *CBC
    *Urinalysis
    *Fecalysis
    *Genexpert Test for TB
    *Blood Chemistry
    *ECG

Kasalukuyan na ring inaayos ang ating Free Dialysis at Free Chest X-ray!
Nagpapasalamat ako sa ating City Health Office sa pangunguna ni Doc. Lino Barron at mga medical staff ng City Health Office, dahil hindi ito magiging posible kundi dahil sa kanilang sipag at dedikasyon.

Abangan ang mga susunod pa nating proyekto para sa ating lungsod. Unti-unti ay makakamit natin ang pagiging “First Class City” sa tulong ng ating Vice Mayor Raleigh Rusit, mga Konsehales at sambayanang Caviteño.

Continue reading

The First ever Seal of Good Local Governance for Cavite City!

December 10, 2024

Dialysis and Cancer Patients Pay-Out Day

December 7, 2024

Scholar ako Ni Denver 2024 Batch 2 (College Scholarship Program)

November 22, 2024

Libreng medical service para sa mga Caviteño bukas na!

September 17, 2022

Ayuda para sa ating magigiting na BARANGAY FRONTLINERS!

November 27, 2020

Ayuda para sa mga Barangay Frontliners

October 14, 2020